Pating [Litratong Pinoy] • 04.10.08
Anak ng pating!
Ito ay isang desperadong post na isingit ang litratong ito para sa tema ngayong linggo, “Tatlo ang sulok ko” para sa Litratong Pinoy. Kung sakali lang na hindi mo makita kung alin diyan ang tatsulok, ito ang dalawang “fins” ng pating.
Ang pating na iyan ay kinuhanan sa Ocean Park sa Hong Kong mga tatlong taon na ang nakakaraan, noong ako ay nagbakasyon doon kasama ang aking pamilya. Ito ang isa sa mga pinakamagagandang alaala ko kasama sila at ang mga makukulay na lamang dagat. Buti may Manila Ocean Park na. ![]()





















