Parisukat [litratong pinoy]
Gusto kong buhayin ang isang libangan na matagal ng natutulog sa loob ng aming aparador. Ang aming lumang Minolta camera (na sira ang light meter) ang aking ginamit noong kolehiyo ako sa isang photography class. Ang hirap pala, pero natuto ako ng di oras magkabisado ng mga tamang kombinasyon aperture at shutter speeds. Hehe.
Mukhang sa mga lumang contact prints ako kukuha ng pansali sa LP ah.




















