Kulay Kalawang [lp]09.04.08

“Copper” ang tema ng Litratong Pinoy ngayong linggo. Ito lang ang pumasok sa isip ko sa litratong to:

The sky was a greyish copper color

Wala kasi akong litrato ng copper, kaya something closer to the theme nalang. At actually hindi ganyang-ganyan ang kulay ng langit, medyo na-enhance lang (hindi naman ako nandadaya diba?). Pero para sakin mas lumutang ang rainbow dahil sa kulay kalawang na backdrop nito. Whatchuthink? :)

First time ko rin makakuha ng litrato ng rainbow.

Kuha habang nagmamaneho sa C5 Taguig area, gamit ang N70 camera phone. Kakatapos lang umulan noon, at sobrang traffic, hence the picture.

Posted in Litratong Pinoywith 9 Comments →

Ayoko maging ganito [lp]08.28.08

Pag tumanda ako, ayoko magmistulang natutuyo, nalalagas, o nanghihina. Ewan ko kung bakit, basta ayaw ko lang. Sino ba may gustong maging ganon pagtanda diba? Hehe.

Happy LP sa lahat! Tingnan niyo kung anu-ano pa ang ayaw ng mga LPers.

Kuha gamit ang aking manual Minolta SLR, b/w film, sa UP Diliman grounds para sa plate theme noon na ‘nature’.

Posted in Litratong Pinoywith 24 Comments →

I love my Caramel Machiatto08.21.08

It’s the highlight of my day. And especially if you get it for free!

Starbucks had a survey promo where you get a free tall drink of your choice just by filling out an online questionnaire. When you buy at Starbucks, they give you a printed out code on the receipt which you use to log on a site. After completing the survey, you get a code which you write on your receipt and show to any Starbucks branch. Then you get your free drink, that’s it.

Anyway I’m not sure if it’s still ongoing. :) But what I like really about getting coffee from Starbucks than the office pantry, is that the staff is really great. They remember my name and my drink, which is pretty cool.

This is not a sponsored post. :) I just feel like I need to make up for not having a Litratong Pinoy entry this week because of my workload. And writing about happy thoughts is the only thing that gets me through. :) I guess this is right for this weeks “Wish” theme anyway.

I wish I was in Oz.

Posted in Foodwith 5 Comments →

Ako ‘to [lp]08.07.08

henna by you.

Ako, mga 2 years na ang nakakalipas. May henna tattoo galing sa UP Fair, may hikaw na silver na nawala sa kotse nung sumunod na taon. Sniff.

Kilalanin ang ibang mga Litratistang Pinoy!

Posted in Litratong Pinoywith 4 Comments →

Green na green [LP]07.17.08

Mahal ko talaga ang aking alma mater. Pero itong kuhang ito, ay hindi sa Diliman, kundi sa Los Banos.

Isa lang yan sa mga bagay na gusto ko sa aming campus. Para kang laging nasa MTV ng isang emo love song o kaya nasa isang indie film na low budget kaya lighting lang ng poste sa kalye ang ginamit, take your pick. Hehe.

Ikaw, green na green ba ang Huwebes mo? :)

Posted in What's it like to be mewith 41 Comments →

Fumorum ka na06.25.08

May forum na ang Litratong Pinoy!

Pwede ka na magdadaldal tungkol sa photography, sa favorite mong shot, sa favorite mong photo op location, sa idol mong photographer, whatever!

L.P. Forum

Clickitik!

:)

Posted in Litratong Pinoy, Photographywith 2 Comments →

Pating [Litratong Pinoy]04.10.08

Anak ng pating!

Ito ay isang desperadong post na isingit ang litratong ito para sa tema ngayong linggo, “Tatlo ang sulok ko” para sa Litratong Pinoy. Kung sakali lang na hindi mo makita kung alin diyan ang tatsulok, ito ang dalawang “fins” ng pating.

Ang pating na iyan ay kinuhanan sa Ocean Park sa Hong Kong mga tatlong taon na ang nakakaraan, noong ako ay nagbakasyon doon kasama ang aking pamilya. Ito ang isa sa mga pinakamagagandang alaala ko kasama sila at ang mga makukulay na lamang dagat. Buti may Manila Ocean Park na. :)

Posted in Litratong Pinoy, Photobloggingwith 6 Comments →

Malaking Bilog [litratong pinoy]04.03.08

Europa Rad

Ang una kong litrato para sa linggong ito ng LP, na ang tema ay “Ako Ay Bilog”. Kuha noong taong 2006 sa Euro Carnival.

(Edit) Ginamit na camera: Nokia 7200 (natagalan pa ako bago ko makita kung anong model sa luma)

Dahil sa marami ang nagkomento tungkol sa night shot na ito, at dahil gusto ko kayong iencourage na kumuha ng night shots at wala yon sa camera (not all the time at least). :)

Gusto mong sumali sa Litratong Pinoy? Pumunta ka dito: Impormasyon, atbp.

Posted in Litratong Pinoy, Photobloggingwith 48 Comments →