Masunurin akong bata eh, kaya freestyle itong una kong litrato. Hehe.


Kuha to nung college ako, nung nag-take ako ng basic photography class. Ito si Chody, kasama siya sa UP Streetdance Club kaya magaling siya mag-freestyle ng kung ano-ano sa pagsayaw at break dance.
Kaya lang, ang sagwa ng pagkaka-develop ko (manual kami noon, kami mismo nag-process sa dark room) kaya ayan, may tama ng mga fingerprints at ang daming scratches!
Kahit mahirap mag-develop ng sariling film, masaya pa rin kasi feel na feel mo ang pagiging photographer mo. Sana wag tuluyang mawala ang film photography no?
—
Minolta SLR camera. 2003.
—
Pero gusto kong i-repost itong series ng mga litratong kuha ko nung December 25:

It was inevitable. Good versus evil. Black versus white. The face off was one waiting to happen in a year past. He had been waiting. And so was the other. (Sundan dito)
Tags:
black and white,
Litratong Pinoy