it’s a sign! [lp]

m-cross-process1

…na gutom ka na. pag lumalabo na ang mata mo dahil sa gutom. at heaven-sent ang sign na to. =)

post-edit. na-realize ko lang, na imbis na mag-recycle ng litrato ngayong Huwebes, ay maglagay naman ako ng bago na mas makabuluhan.

McDo - Virlanie Kids

para sa marami, sign lang ‘to ng isa sa mga sikat ng fastfood chains sa Pinas. pero para sa ibang bata, parang langit yan na dating tinitingala lang mula sa Binondo plaza. nakakapasok lang tuwing makikiinom or makiki-CR. nung dinala namin sila doon isang Sabado, di mo ma-imagine ang tuwa nila. simpleng burger, fries, spaghetti at sundae lang, akala mo piyesta talaga.

nakakaantig ng damdamin, lalo sa akin na may sariling anak. di ko matiis na ganoon ang buhay nila. ikaw, kung gusto mo tumulong, pwedeng pwede. nandito sila. naisulat ko na rin ang tungkol sa kanila.

Litratong Pinoy challenge this week: hudyat (signal, sign). and it’s back! 1 month din nagpahinga itong photo meme, but it’s back, bigger and better. sali na!

You can leave a response, or trackback from your own site.

17 Responses to “it’s a sign! [lp]”

  1. Ebie says:

    Talagang malabo ang paningin pag gutoim na! Good interpretation of the theme!
    .-= Ebie´s last blog ..Litratong Pinoy: Hudyat =-.

  2. Mauie says:

    Totoo yan. Iyan nga ang lagi kong ipinaaalala sa anak ko, na hindi lahat ng bata ay tulad niya at ng mga kaibigan niya na kayang bumili ng McDo galing sa sariling allowance. Napansin ko lang ang tag na Virlanie Foundation. Dati kasi kaming nakatira sa Makati, kapitbahay ang Virlanie. Kapag hapon noon ay lagi kong inilalabas ang anak ko para makipag-halubilo sa mga bata ng Virlanie.

    Maligayang Hwebes! Sana’y mabisita mo rin ang aking lahok.
    .-= Mauie´s last blog ..Litratong Pinoy: Hudyat (Signal, Sign) =-.

  3. upto6only says:

    naku tutuo yan. makita lang ng mga bata ang sign ng mcdo or jollibee sobrang tuwa na nila. with matching pa-picture pa sa mga statua nila mcdonalds at jollibee.

    Happy LP

  4. karmi says:

    M is for magic =) tama ka ate! ^^ sikat na sikat nga talaga ang McDo kahit saan ka man mapunta..

    at wow, nakakataba nga ng puso ang makatulog =) sigurado akong fulfilling ang pakiramdam di lang para sa mga bata kundi para sa inyo din na tumulong :)
    .-= karmi´s last blog ..LP: Katapusan at Bagong Simula =-.

    • iris says:

      karmi, wag namang Ate. tumatanda ako niyan eh! i’m only 18! hahaha. love ko pa rin mag-McDo.

      alamo, more than the effect on me, i’m more concerned about what i could do for them. spreading the word is one. tulong ka din! kahit malayo ka pwede naman =)
      .-= iris´s last blog ..Three (a post-Nov20 birthday post) =-.

  5. Marites says:

    oo nga ano..naalala ko nga noon at hindi pa kaya ng mga magulang ko ang kumain sa ganyan kaya naman pinapaalala ko rin sa pamangkin ko. maligayang LP!
    .-= Marites´s last blog ..Litratong Pinoy#74 Hudyat (Sign) =-.

  6. Sassy Mom says:

    Korek! Ako man kahit di mahilig sa Mcdo e pag gutom parang makakaunos ako ng isang large fries ng walang kahati!
    .-= Sassy Mom´s last blog ..Hudyat na malapit na ang Pasko =-.

  7. yup kahit malabo ang paningin i can still say “i saw the sign”

    sana maibigan nyo rin ang aking lahok
    magandang araw ka-litratista :)
    Salamat sa pagbisita :)
    .-= Jay-agent112778´s last blog ..Pixel Bug Weekend # 12 and Mellow Yellow Mondays # 46 =-.

  8. [...] Iris says that when you’re hungry, seeing a prominent fast food chain’s logo from a distance is heaven-sent. [...]

  9. Ambo says:

    Ngayon ko lang nakita to. Ang ganda ng kuha mo i love it!
    .-= Ambo´s last blog ..Fortune Plants =-.

Leave a Reply

Tell me what you think. Keep it clean, don't spam.

CommentLuv badge