Pinoy Monster [lp]

Meet Kolokoy. Isa siyang monster na vegetarian.
Galit siya sa mga kapitalista.
At inglesero pa!
—
Kuha sa may kanto ng Katipunan at Xavierville Avenue, gamit ang aking mahal na N70. Para sa akin, tatak Pinoy si Kolokoy hindi lang dahil mga Pinoy punks ang gumawa sa kanya, pero dahil isinasapuso niya ang madalas na sigaw ng ilang mga grupo sa Pinas. At ang mga protestang katulad nito ay tatak na ng pagiging isang malayang Pinoy, hindi ba? Tanda na rin na ang freedom of speech natin ay nage-evolve na para maging mas creative.
At sa totoo lang, mas nakakatawag pansin siya.
Pag pasenshahan na ang aking recycled photo. Happy (belated) Thursday!





















July 3rd, 2008 at 12:31 am
So, did you use photoshop to erase the words first?
Cute, siya.
Blog2u’s last blog post..Calling All Filipino Bloggers
Reply
iris reply on July 4th, 2008:
Hi Blog2u! nope, isang classic case ng ‘before and after’ yan
salamat!
Reply
July 4th, 2008 at 10:17 pm
Nung di pa fully loaded yung picture, akala ko tungkol ito sa katulad ni Kokey. Hindi pala. Happy weekend!
Em Dy’s last blog post..Iron Man was Here!
Reply
iris reply on July 5th, 2008:
come to think of it, medyo hawig nga sila. hehe.
happy weekend din!
Reply
July 10th, 2008 at 11:18 pm
akala ko talaga sossy na yung mga vandals sa atin at english na ang graffiti hehehe. tama ka, tatak pinoy talaga ang pagiging malayang sabihin ang mga dinaramdam – minsan nga too free.
Meeya’s last blog post..Spamming Commentboxes
Reply
iris reply on July 11th, 2008:
at kakaiba. ngayon lang talaga ako nakakita ng ganitong klaseng graffiti dito satin.
Reply