Aking Ina [litratong pinoy] • 05.08.08
Hindi ko kuha ito. Kuha ito ng aking ama noong ako ay may isang taong gulang pa lang. Kahit noong maliit pa lang ako, mahilig ng maglakwatsa, este, mag-travel ang aking magulang, dala na rin ng kanilang ministeryo sa Iglesia. At ako naman ay kaladkad na nila kahit saan mapunta. Ito ay kuha sa Baguio.
Gustong-gusto ko itong litratong ito dahil napaka-saya ng mukha ng aking Ina. Kahit saan namang litrato ay napakaganda niya. Lalo kapag siya ay ngumingiti.
Malabo lang itong litrato dahil kinuhanan ko lang yan gamit ng cellphone camera. Dapat siguro na-scan ko. At maniwala ka’t sa hindi, ang kamera na ginamit sa pagkuha ng litratong iyan ay buhay pa. Ito yung Minolta na sinasabi kong nagamit ko noong kolehiyo ako.
Sana’y magustuhan niyo ang litratog ito! Magandang LP weekend!
—-
Edit: At dahil naka-schedule lang itong post na ito, huli na rin itong pahabol ko. Hindi ako makakuha ng litrato nitong nakaraang linggo dahil na-ospital si Mia simula nung Tuesday. Sa susunod na post ang kwento.
Pero salamat pa rin sa pagbisita.



























