Teka, bago ka mag-react kung tama bang nasa kategorya ito ng “Malungkot” ng Litratong Pinoy ngayong linggo, isipin mong maraming dahil kung bakit ang isang tao (o hayop?) ay malungkot ngunit nagagawa pang ngumiti. Ganyan ang naging kaso nitong kalabaw.
Sa kasawiang palad, hindi ko na naitanong dahil isa na siyang malamig na bato nung datnan ko.
Sana’y magustuhan niyo ang litratog ito! Magandang LP weekend!



May 1st, 2008
Iris 

Posted in 






hahaha. agree ako sa sinabi mo!
wengs last blog post..LP #5: Malungkot
Mukha yatang alaskador ang kalabaw na yan! parang sinasabi: “ako lonely, bakit planet ba ako?!”
Enjoy your weekend!
juless last blog post..Friday’s Feast: 189
ang kulit naman ng kalabaw na yan! kung malamig na bato ka nga naman hindi ka ba malulungkot?
Greys last blog post..L.P. #5: Malungkot
sobrang lungkot pa kamo
akala ko advance ang entry mo hehe.. maganda..
alphas last blog post..LP: Malungkot.
salamat alpha
ayos ang kumukutitap na ngiti!
nag-happee eh
hahaha. nakakatawa ang entry mo. pero kung kalabaw ka, malungkot nga ang buhay mo kasi mahirap na ang trabaho mo, palagi ka pang pinapaligaran ng mga langaw
korkys last blog post..LP #5 Malungkot
oo nga no? hehe.
magandang araw ng biyernes…
linos last blog post..malungkot (lonely)…
magandang araw din sayo!
Kaya pala Kalabaw ang pambansang hayop. Gaya ng kalabaw, ang Pinoy kahit hirap, nakangiti pa rin
kakaiba talaga tayong mga pinoy. kaya hanga satin ang ibang bansa
kayud kalabaw pero ngiti pa rin. kaya nga naging pambansang hayop. karapat dapat tularan ng mga iba, tao man o hayop.
http://asecretplace.wordpress.com/2008/05/01/malungkot-sa-laot/
leahs last blog post..Promises
tama ka diyan leah.
ris, kinikimkim niya yung sama ng loob niya kasi habang tumatagal daw nagmumukha nang tamaraw yung mga kamag-anak niyang kalabaw. pansin mo parang lumiliit na sila ng lumiliit? hehe.
MyMemes: LP Malungkot
MyFinds: LP Malungkot
Meeyas last blog post..It’s In The Cart
mukha nga, meeya. masama lang talaga loob nya.
naalala ko ang ganitong kalabaw sa pulilan, bulacan.
maligayang araw!
http://biancaelyse-mylife.blogspot.com/2008/04/lp-5-malungkot.html
yvelles last blog post..LP # 5 Malungkot
yvelle baka pareho tayo ng kalabaw na nakita. sa pulilan din ito kuha eh
Oo nga naman, ang kalabaw, bato man o totoo, laging may ngiti, kahit na siya pa ay nahihirapan sa kanyang papel na ginagampanan. Ngayon ay paubos na sila, malamang, tayo na ang hindi makangingiti nyan.
Magandang gabi sa iyo
julies last blog post..Litratong Pinoy : Malungkot
sana wag naman, ano. may rice shortage na nga tayo. tsk tsk.
magandang gabi din julie
Malulungkot nga ako kung kalabaw ako… kahit bato… hehehe… nakakatuwa ang entry mo.
hehe. salamat keith!
Iris, pwede palang makipag-exchange links?
sashas last blog post..Thankful Thursday – No longer a corporate rat
sure shasha, plan ko din maglagay ng separate link page para sa mga LPers eh
but i will include you in my blogroll.
Talaga namang kabaligtaran ng lungkot ang naramdaman ko nang mabasa ko na nadatnan mo na ang kalabaw na 1 malamig na bato! lol
Pero alam mo, kailangan naman talaga nating matutong ngumiti kahit na may malungkot tayong nadarama. Positibo tayo dapat sa kabila ng mga problema. Madaling sabihin, mahirap gawin alam ko pero subukan na rin natin
sashas last blog post..Thankful Thursday – No longer a corporate rat
glad to have made the point, sasha
ironic man, pero ang purpose ko talaga ay magpangiti, at hindi lang magpost tungkol sa kalungkutan.
at tama ka, madaling sabihin pero sabi din, if there’s a will, there’s a way.
Natawa naman ako kay Mr Kalabaw. Biglang napaisip tuloy ako kung ano tlaga ang storya niya… Hehe.
Gandang Huwebes.
zamejiass last blog post..LP: Malungkot
ako rin napaisip. zamejias
mabuti at di mo tinanong, baka kasi sagutin ka, hehe
Girlies last blog post..Litratong Pinoy #5 : Malungkot (sad)
hehe. at dahil sinabi mo, tatanungin tuloy kita
so bakit nga, sa tingin mo?
Hahaha!
Magkamag-anak ang lahok niyo ni Clicking Away ha – parehong konsepto – katuwa!
Maligayang Huwebes sa iyo!
Pinkys last blog post..LP #5: Malungkot
oo nga eh. ayoko naman kasi maging mashadong malungkot ang aking entry
likas tayong “resilient” kaya sa kabila ng lahat, nakukuha pa rin natin ngumiti.
LInnors last blog post..Malungkot
tama ka dyan linnor. ganyan ang mga pinoy talaga.
ayyy! natitigan ni medusa! masaklap nga yan!
ha ha, natawa ako sa akda mo ris
Thesss last blog post..Annelies Marie (Anne) Frank, para sa Litratong Pinoy
pwede! galing mo thess. mukhang masosolve ang misteryo ng kalabaw.
Nakakaaliw ang iyong lahok Iris,pero kahit ganoong ginawa siyang bato sa likod ng kalungkutan ay nakangiti pa rin siya
nonas last blog post..Malungkot
korek nona, nakuha mo!
hehehe kakaibang “malungkot” ito…
mahirap nga naman ang maging bato.
iskas last blog post..Ang Malungkot na LP5
mahirap talaga. na-try ko na eh. very uncomfortable. hahaha.
i truly admire people who can do that, smile though they’re hurting. lovely photo and a wonderful interpretation, iris
sardonic nells last blog post..Litratong Pinoy #5: Malungkot
me too, because i can’t do that. i’m too transparent. thanks nell
syang tunay! haha!
magandang huwebes sa’yo…
lidies last blog post..LP #5 :: Malungkot
at sayo din lidie!
oo nga sinong hindi malulungkot ko isang malamig na bato kana?
Magandang Huwebes Kaibigan!
http://edsnanquil.com/?p=673
Edss last blog post..♥ LP #5: Malungkot
siguro yung taong nabigo sa pag-ibig. mas gugustuhin pa niyang maging bato para laging makita ang mahal niya kahit hindi sila, parang itong kalabaw. hehehe.
baka natuwa sya dahil Senate Bill 1165 ni Erap tungkol sa kapakanan ng mga kalabaw… yun kaya yun o dahil sa carabao english ni Erap? hmmm…
ay kalabaw!
teyss last blog post..LP#5 – Malungkot
natawa ako dyan teys ha.
siguro nga!
isang magandang factor sa ating mga pinoy ay ang pang ngiti ‘smile’ sa kabila ng kalungkutan at kahirapan sa buhay
Happy webes!
tama ka diyan ettey. we make good clowns
haha
sino ba naman ang hindi malulungkot kung maging isa ka ng malamig na bato
LOL
Lizeths last blog post..Litratong Pinoy #5: Malungkot
tama ka dyan. siguro bago siya naging bato, nalaman nya na isa palang masamang witch ang kanyang gf at gagawin pala siyang bato, kaya nangiti nalang siya na may kasamang lungkot.
Malungkot ngang maging bato o maging kasama mo sa buhay ay mga taong bato (lam mo na, walang pakirmadam) hehe. Mligayang LP!
gs last blog post..LP # 5 Malungkot
haha parang may laman yang hirit mo, G!
kidding. tama ka. mahirap pag ang tao nagpapaka-bato, pero sa loob naman ay emo! haha.
mwehehe. sadyang may twist ang entry mo para sa LP theme ngayon.
btw, may tag ako para sa yo
Bloggers Around The Globe
christines last blog post..Turon With a Twist
kahit ako nga ay napaisip kung ano ang istorya sa likod ng ngiti na yan eh
salamat, gagawin ko yan
Dinaan nalang niya sa ngiti ang lungkot sa hirap at pagod.
vanidosas last blog post..My 3rd – Litratong Pinoy
hehe. kaya sasaluduhan mo talaga itong kalabaw na ito.