Parisukat [litratong pinoy]
April 17th, 2008 Posted in Litratong Pinoy
Gusto kong buhayin ang isang libangan na matagal ng natutulog sa loob ng aming aparador. Ang aming lumang Minolta camera (na sira ang light meter) ang aking ginamit noong kolehiyo ako sa isang photography class. Ang hirap pala, pero natuto ako ng di oras magkabisado ng mga tamang kombinasyon aperture at shutter speeds. Hehe.
Mukhang sa mga lumang contact prints ako kukuha ng pansali sa LP ah.
Tags: minolta, Photography





















April 17th, 2008 at 12:33 am
hi ris! yung minolta mo, gamit ay film? yan ang pangarap ko dati, ang matutong kumuha gamit ang film SLR. pero nang matuklasan kong masaya pala mag post-process ng digital, hala, nakalimutan ko na ang pangarap na yun (bukod sa magastos kasi sa film!!). eto nangangapa pa rin sa aperture at shutter speed…
kaje’s last blog post..LP3 – Apat na Kanto
Reply
iris reply on April 17th, 2008:
hi kaje! yup, film yon. b/w
uy masaya din mag-process ng film ha, try mo at matutuwa ka. pero medyo magastos nga. pero may alam akong photo shop sa cubao na nagp-promo for film developments dahil nga hindi na siya ganun ka popular.
pero totoo yan, pag natuto ka muna sa manual, mani na yang digital. hehe.
Reply
April 17th, 2008 at 1:04 am
parang bigla kong na-miss makakita ng contact prints.
Girlie’s last blog post..Litratong Pinoy #3 : Apat and Sulok Ko (Square)
Reply
iris reply on April 18th, 2008:
ako din namiss ko kaya ayan, nilabas ko nga lahat
Reply
April 17th, 2008 at 1:12 am
Ang ganda ng mga larawan.
Me kaibigan akong gumagamit ng ganyan hanggang ngayon. Noong isang linggo lang sa sinabi ko sa asawa ko na gusto ko yatang mahiram ang SLR na Nikon ng tatay ko pero parang sira na yata ang flash at kelangan na linisin yun
Parang challenge sa aking hindi marunong gumamit nun.
julie’s last blog post..Litratong Pinoy: Apat ang Sulok Ko
Reply
iris reply on April 18th, 2008:
madami naman pwedeng palinisan/pagawan ng sirang lumang kamera. sayang din yon. ang mga lumang kamera pa naman (film) magaganda talaga kumuha at very durable. hindi katulad ng mga digital cams, parang disposable na
(except yung mga 100k plus hehe)
Reply
April 17th, 2008 at 1:51 am
ang totoo, hindi na ako ganoon kapamilyar sa ganyang mga litrato pero gusto kong matuto ng tamang pagkuha ng B/W na litrato kahit digital lang dahil may kakaibang “mood” na naibibigay ang mga ito.
cathy’s last blog post..A House is not a Home
Reply
iris reply on April 18th, 2008:
tama ka, mas nagiging dramatic ang mga subjects pag b/w. hindi naman ako eksperto diyan pero para sa akin, film talaga maganda ang kuha dahil sa texture.
dapat pag-aralan mo yun, masaya eh
Reply
April 17th, 2008 at 2:16 am
Maganda ang pagkakuha. At sa totoo lang, hindi ko alam na ang “sqaure” ay “parisukat” pala in tagalog.
K’s last blog post..I dropped my iPhone
Reply
iris reply on April 18th, 2008:
haha. ako din, medyo nalito nung una. pero sa totoo lang, ang cue ko eh yung “apat ang sulok”
dahil hindi rin ako sigurado kung square o rectangle ang parisukat. hehehe.
Reply
April 17th, 2008 at 4:27 am
wow, galing ng kuha. para sa akin nakakabilib pa rin talaga ang mga katulad mo na magaling kumuha ng film-based pictures.
Reply
iris reply on April 18th, 2008:
salamat abby. alam mo bang tiyagaan lang yan? di katulad kasi pag digital ang gamit mo, madaling magbura ng litrato pag ayaw mo. sa film, naku, makikita mo nalang pag nadevelop na. kaya dapat makabisa mo ang tamang mga settings
challenge talaga, pero pag nakuha mo na, ayos!
Reply
April 17th, 2008 at 4:42 am
Kanina lang yan ang pinag-uusapan namin ng sis ko. Nawawala na ang mga lumang camera. Meron pa rin kami rito sa bahay pero matagal ng di nagagamit. Nice entry!
Gandang araw ng Huwebes!
she’s last blog post..Litratong Pinoy Ed#3 – Apat na kanto
Reply
iris reply on April 18th, 2008:
salamat she! naku, kung antique na din yun katulad nung sakin, siguro mahal na yun! hehe.
Reply
April 17th, 2008 at 4:54 am
Iba talaga ang dating ng “black and white” na larawan sa akin – parang naibabalik ako sa nakaraan lalo pa’t Minolta din ang kamera ng tatay ko noong bata pa ako.
Ganda ng kuha mo, Ris! Maligayang Huwebes!
Pinky’s last blog post..LP #3: Apat na Kanto
Reply
iris reply on April 18th, 2008:
minolta din? may kapatid si Toti! (haha pangalan ang kamera ko
dapat magkakilanlan sila.
salamat pinky!
Reply
April 17th, 2008 at 6:51 am
maganda ang lahok mo, ris. kahit ako ay nangangapa pa sa aperture at shutter speeds kahit 4 na taon na ang dslr ko. ha ha.
ingat
christine’s last blog post..LP 3: Apat na Kanto (Four Corners)
Reply
iris reply on April 18th, 2008:
salamat! naku christine, kung ako sayo, kung gusto mo matutunan ang mga iyan, mag film SLR ka
sigurado, kabisado mo agad yan.
Reply
April 17th, 2008 at 7:31 am
parisukat nga naman ang makikita sa contact prints…
LInnor’s last blog post..Apat na Kanto
Reply
iris reply on April 19th, 2008:
tama ka diyan linnor
Reply
April 17th, 2008 at 8:40 am
masarap balikan ang nakaraan! ang ganda ng kuha mo!
magandang huwebes sa’yo!
lidie’s last blog post..LP #3 :: Apat na Kanto
Reply
iris reply on April 18th, 2008:
salamat lidie! ngayon gusto ko ng balikan lahat ng kinuha ko noong kolehiyo
Reply
April 17th, 2008 at 8:42 am
tunay ngang maganda ang lahok mo…marahil ay magaganda rin ang bawat litrato nito…
ces’s last blog post..Litratong Pinoy #3: Apat na kanto
Reply
iris reply on April 18th, 2008:
salamat ces. hindi lahat maganda ang lumabas dahil over at under exposed ang marami dito. pero gusto kong isalvage kung ano man ang natitira pa
Reply
April 17th, 2008 at 8:46 am
ayos, prints ng mga litrato… magandang huwebes…
lino’s last blog post..apat na kanto (four corners)…
Reply
iris reply on April 18th, 2008:
salamat lino!
Reply
April 17th, 2008 at 9:41 am
Nakakatuwa basahin ang mga comments. Tagalog na tagalog hehehe. Para akong nasa panahon ni Andres Bonifacio haha. Magaling ang pagkakakuha ng iyong larawan Binibining Iris. Mabuhay ka!
Ambo
Ambo’s last blog post..Transistor
Reply
iris reply on April 18th, 2008:
haha oo nga eh! at sa ayaw ko at sa hinde, napapa-tagalog ako!
pero nothing wrong with that, kailangan mahalin ang sariling atin. *baw*
salamat ambo
Reply
April 17th, 2008 at 9:49 am
uyy! andaming apat na sulok dito ha!
napakaganda! Magandang Huwebes!
http://edsnanquil.com/?p=603
Eds’s last blog post..♥ LP#3: Apat na Kanto ♥
Reply
iris reply on April 18th, 2008:
salamat eds!
Reply
April 17th, 2008 at 9:57 am
wow galeng!
Reply
iris reply on April 18th, 2008:
salamat ettey!
Reply
April 17th, 2008 at 12:48 pm
sabi ng mga “experts” may maganda parin daw ang result ng film slr. pero ako, di pa nakakagamit ng kahit anong slr. hahaha.
nice collection. gusto ko din ng ganyang b&w portfolio.
Kotsengkuba’s last blog post..Of home-made dumplings and rice vinegar
Reply
iris reply on April 18th, 2008:
sa tingin ko tama ang mga “experts”
maganda kasi texture ng film, lalo na ang mga b/w. try mo dali!
Reply
April 17th, 2008 at 12:54 pm
Nakapagattend din ako ng ilang sessions ng photography. Medyo nakakaoverwhelm and mga terms na shutter speed at aperture. Kailangan talaga kaging gagamitin para di nakakaligtaan.
Em Dy’s last blog post..Banig
Reply
iris reply on April 18th, 2008:
tama ka diyan doc. dapat laging nap-practice. kaya ngayon eh siguradong mangangapa ako. hehe
Reply
April 17th, 2008 at 1:27 pm
hay, apperture at shutter speed, kailangan ko ring matutunan yan. hahaha! sayang naman ang camera ko.
maligayang huwebes, ris!
Munchkin Mommy
Mapped Memories
weng’s last blog post..LP #3: Apat na Kanto
Reply
iris reply on April 18th, 2008:
sayang nga. kung ayaw mo na, padala mo nalang sakin. hehehe
Reply
April 17th, 2008 at 1:52 pm
Bagamat maraming mga advantages ang digital kamera, mas gusto ko pa rin and mga lumang kamera. Namimiss ko na magkaroon ng mga photo prints kasi puro save na lang ako sa computer eh.
Clicking Away’s last blog post..LP003 – Apat na Kanto
Reply
iris reply on April 19th, 2008:
haha oo nga eh. noong nauso ang digital parang feeling ko napaka-temporary ng lahat ng bagay.
Reply
April 17th, 2008 at 3:22 pm
gusto ko din mag-photography class.
nakakatuwa ang mga litrato mo..pinipilit kong silipin isa-isa
happy thursday!
Lizeth’s last blog post..Litratong Pinoy #3: Apat na Kanto
Reply
iris reply on April 19th, 2008:
salamat lizeth! sana nga magkaron ako ng pagkakataong mai-post lahat
Reply
April 17th, 2008 at 5:15 pm
ang sarap balikan ang teknolohiyang nakaraan, salamat sa pag papaalala
teys’s last blog post..LP#4 – Apat na kanto
Reply
iris reply on April 19th, 2008:
walang anuman, teys
Reply
April 17th, 2008 at 6:22 pm
ang ganda po ng inyong lahok sa linggong ito. there really is something “magical” with old pictures. happy thursday!
iRonnie’s last blog post..222. Twist To Be Square
Reply
iris reply on April 19th, 2008:
salamat ironnie!
Reply
April 17th, 2008 at 7:15 pm
naalala ko yung tita ko. member kasi sya dati ng photographers’ club nila sa dating trabaho nya. may mga ganyan din sya
korky’s last blog post..LP: Apat na Kanto
Reply
iris reply on April 19th, 2008:
isa yan sa mga importanteng part ng pagiging isang photographer. lalo noong film pa ang uso. mas tipid! hehe
Reply
April 17th, 2008 at 9:35 pm
una ko itong pagbisita sa iyong site. una rin akong natutong kumuha nang mga larawan gamit ang film-based cameras at naaalala ko iyang aperture at shutter speed terms. pero ang camera ko noon ay ‘instamatic’ lamang, hehe.
mabuhay ka, katotong LP!
Dragon Lady’s last blog post..L.P. #3: Apat na kanto
Reply
iris reply on April 19th, 2008:
dragon lady, salamat sa pagbisita! nakakatuwa matutunan no? parang ang galing galing mo pag may na-perfect kang larawan.
mabuhay ka din
Reply
April 17th, 2008 at 11:38 pm
great entry ris! meron din kaming slr pero hindi ko naisip gamitin kahit kailan, haha! wala kasi akong interes nun kundi ang mag-pose.
goodluck, sana ma-revive mo yang hobby mo
MyMemes: LP Parisukat
MyFinds: LP Parisukat
Meeya’s last blog post..LP03: Parisukat
Reply
iris reply on April 19th, 2008:
haha baliktad, ikaw ang model!
sana nga.. kaso at the rate im going.. sniff… pero pipilitin! pag gusto maraming paraan. hehe.
salamat!
Reply
April 17th, 2008 at 11:50 pm
ang ganda nito..
alpha’s last blog post..By: mousey
Reply
iris reply on April 19th, 2008:
salamat alpha
Reply
April 18th, 2008 at 7:18 am
Iba ka talaga, Ris!
Nagsusulat na, photographer pa.
Teka, alin ba ang nauna sa buhay mo? Ang kamera o ang pagsusulat?
Viloria’s last blog post..Jammed Full Into Capacity
Reply
iris reply on April 19th, 2008:
hehe salamat sir. nauna naman talaga ang pagsusulat. pero ngayon mas nagagawa ko ang pangalawang hobby eh!
Reply
April 18th, 2008 at 6:25 pm
magaling ka kumuha ng larawan at magaganda ang iyong ideya.
yvelle’s last blog post..LP #3 Apat na Kanto
Reply
iris reply on April 19th, 2008:
salamat yvelle
Reply
April 19th, 2008 at 2:03 am
ang ganda naman ng kuha mo! nakakamiss din un panahon na wala pang digital camera at lahat ay nagpapadevelop pa ng mga litrato!
salamat sa pagbahagi nito. hanggang sa susunod na huwebes!
Reply
iris reply on April 19th, 2008:
salamat grey! oo nga eh, magastos lang, pero iba ang feeling! hehe. kitakita sa susunod na linggo!
Reply
April 20th, 2008 at 1:31 pm
napakaraming istorya sa loob ng mga maliliit na apat na sulok mo…
Reply
iris reply on April 20th, 2008:
tama ka diyan adinille. tulad nga ng nasabi ko, sana ay magkaron ako ng pagkakataong maipublish silang lahat
Reply