Kung sino makakapagsabi sakin kung bakit hanggang Libis ang buntot ng traffic sa C5 (southbound) ngayon, kahit bakasyon na at 9 na ng umaga, mapalad ka.
Kasi alam mo kung bakit, at ako hindi. At naiinis ako dahil nala-late pa ako sa office eh huling linggo ko na to! Hanep talaga sa Pilipinas. Gusto kong iuntog ang ulo ko sa bintana at sumigaw ng malakas at mag-ala-Bruce Almighty para mahawi ang mga sasakyan sa daan. Pwede ba yon, ha? Pwede ba?
Ang alam ko lang eh traffic sa north bound lane ng C5 pag nasa Taguig ka dahil sa l*cheng elevated u-turn na ginagawa diyan. Na apparently, 2 taon or so yatang natengga dahil kung sino-sinong Pontio Pilato ang tumutol sa project kahit na-approve at nabudget-an na. Hanep diba? San ka naman nakakita ng project na inapprove (despite all objections), binudgetan, at habang nasa gitna ng project eh biglang tinigil dahil sa pulitika lang? Only in da Pilipins, I tell you.
Dahil diyan nasusuka ako sa mga pinaggagagawa ng mga @#%@&@%! na opisyal diyan na nagiintay lang maambunan ng biyaya habang maraming tao ang napeperwisyo sa traffic. Ano bang pakialam nila diba, eh magwang-wang lang sila sa kalye eh lahat ng sasakyan dapat paraanin sila. Hanep talaga.
At ikaw na tong asar na asar at late na late na dahil sa l*cheng traffic na yan, at makakarinig ka pa ng panibagong scandal sa TV. Ano ba, diba? Ang labo niyo talaga. Itong mga taong nasa gobyerno, save for a very select few (select na, few pa. haha), walang alam tungkol sa corporate governance. zilch. nada. zero.
Dapat yata mag-seminar muna sila kay Stephen Covey o kaya kay John Maxwell para magka-prinsipyo naman sila kahit papaano tungkol sa management. O kaya ako nalang, libre pa.



April 2nd, 2008
Iris
Posted in 






hi, iris hope you can drop by sa blog ko pakinggan mo yun song sa new entry ko at hope you comment sa song good or bad. thank you
Gabriel’s last blog post..Unang Pagtingin
sure gabriel.
nakita ko yung traffic last Monday ba yun o yesterday, C5 to makati, the worst. as in.
pating’s last blog post..update to #4
and it seems to be getting worse every week.. argh.
hi, ris! i got stuck in that yesterday northbound, too… i didn’t know it would be that bad. the unseasonable rain didn’t help matters at all.
anyway, 1 week ka na lang! good luck, girl.
dr_clairebear’s last blog post..The Blog Rounds 3 – At a Crossroads
seems to me like weather’s april fool’s joke. kainis no?
oo nga eh. sweet, sweet times.
ris, i tagged you for a music meme at my place.
hope you have time to play!
dr_clairebear’s last blog post..The Blog Rounds 3 – At a Crossroads
of course!
Hahaha, same-same pa rin? This is what I like in Manila, the traffic. I mean if you’re not rushing on anything except in Manila, this could be like “hell” or worse.
What if you were taking a taxi by metro? Poor thing.
K’s last blog post..Oh, dear
yeah, k. actually it’s gotten worse. kung taxi? sa mahal ng flag down ngayon, at sa tindi ng traffic, be prepared talaga!
Hi Ris, got a tag for you. Please check it out. Take care!
KCee’s last blog post..Cool Meme
i will kcee, thanks!
cool ka lang, mare. eto, gawa ka muna ng tag: http://www.100percentkelly.com/2008/04/03/my-love-dna/
kelly’s last blog post..My Love DNA
hehe thanks kelly