barumbado, atbp
ang dahilan kung bakit maraming barumbado sa kalye ng pinas? sobrang dali kumuha ng lisensya.
kaka-renew ko lang the other day at akala ko kailangan ko pang dumaan sa normal na process ng pag-renew. but nooo. unang window palang sa ‘evaluator’ tinanggihan na ako ng hanep na lalaking empleyadong yun. di na daw sila tumatanggap ng renewals (2:30pm pa lang noon) dahil quota na daw sila for the day. kumpletuhin ko daw muna ang requirements saka ako bumalik bukas ng umaga para tapusin ang renewal process.
shempre di ako makapaniwala at gusto ko na sanang mag-amok dun sa lobby ng LTO kapitolyo pasig para sabihin sa kanilang lahat doon na hindi dapat ganon ang government service. they’re supposed to work for me, hell my taxes should be working for me! pero shempre napangiti nalang ako at nag-decide nalang akong makisama sa mga bureaucratic sons of b**ches na yon at sinubukan ko kung makakalusot ang excuse ko. may hinahabol kasi ako sa office kaya dapat makuha ko yung license that same day.
triny ko din magpa-cute, pero nooo, sanay na sanay ang lolo mo (kuya #1) sa mga ganon. pinaalis na niya ako para magpa-”requirements”. at apparently may ka-tag team siyang nag-aabang pala sa tabi ko. inescort naman ako ni kuya #2 sa gilid ng building para magpa-drug test, sabay hirit sakin, “Alam mo ma’am, kung ako yun papayag yun. Makukuha mo din lisensya mo.” Hanep no? May hidden agenda pala.
At dahil desperado nakong mapa-renew ang license ko, tinanong ko na kung magkano. Sus naman, magpapaka-demure pa ba ako sa kaniya eh yun lang naman talaga ang trabaho ng mga fixers? Teka lang daw at tatanungin niya si kuya #1.
Php500 lang naman daw, all in na. Pero excluded yung drug test and medical exam fees. Php300 din yun. So in short, nalakad yung lisensya ko, with additional Php50 dahil professional pala license ko (me and my big mouth; dapat di ko na nabanggit), at nakuha ko within 1 hour and 10 minutes.
madami din akong natutunan habang nagiintay doon sa lobby ng LTO kapitolyo pasig. pag tiningnan mo lang yung mga window counters, walang pila at hindi mashado nilalapitan ng maraming tao, pero ang daming nakaupo sa mga benches sa harap. lahat ng lumalapit sa window, fixers nalang. per fixer siguro 3 o 4 ang inaayos. wala na yatang dumadaan sa normal na process except sa umaga sigruo dahil walang excuse si kuya #1 na naka-quota na sila.
pag hapon mas madaming naghahabol, kaya mas desperado ang mga tao, hence mas kailangan ng fixer para mapadali ang proseso. yung iba nga dun, siguro mga jeepney or taxi drivers, nagpapa-fix pa. eh sobrang dali naman magpa-drug or medical test. pinipirmahan lang yun tapos na. i doubt kung may mga analysis pang nalalaman yung mga “drug test centers” sa tabi-tabi lang doon. yung sakin nga, nag-”please” lang ako kay ate #1 dahil hindi ko na kaya mag-wiwi ng madami, hinayaan na niya.
so in short, sa sobrang dali kumuha ng lisensya, kahit sino pwede na kumuha. ano ngayon kung hindi ka marunong magbasa ng road signs or traffic regulations? bayaran mo lang yung mga tao doon, ok ka na. ano ngayon kung walang road ettiquette sa bokabularyo mo? ok lang yun, para sa maliit na halaga, nandyan si kuya #2 para ilakad ka.
lesson learned? renewed pro license: P600. speedy processing: P200. LTO experience: priceless.




















October 18th, 2007 at 6:42 am
i agree. ang aking LTO experiences are laging priceless. hehe!
[Reply]
October 18th, 2007 at 11:31 am
hay ganyan naman talaga sa pinas e, miski ako nagdaan sa fixer para makakuha ng lisensya, kaylangan talaga kasi e,,
xiao!
[Reply]
October 20th, 2007 at 6:33 am
Salamat sa info, pag-uwi ko magrerenew na kasi ako, at least alam ko na agad ang presyuhan sa mga fixers!
[Reply]
October 20th, 2007 at 9:19 am
kiko, tip lang, umaga ka magpa-renew para walang hassle, mauna ka sa pila
[Reply]