#052 hindi na

hindi na umahon sa panahon
kusang tumigil
nakahanap ng daluyan doon

walang kawala
naghahanap, umaasa pa
ibigay mo
kahit wala nang kapalit
ibibigay ko
maramdaman lang kahit saglit
hindi magtatagal

maghanap man ng kapalit
iyo pa rin
sa agos ay sasabay, sasabay

ibukas ang mata
ang bukas ay narito’t sumilay
may liwanag pa
sakaling langit ay makarinig
walang ibang hiling
luha’t lungkot wag kang hapisin
lisanin ‘yong piling

sisilayan kita mula sa itaas
mamahalin ka
hanggang sa magtagpo ng landas
o kahit hindi na

You can skip to the end and leave a response. Pinging is currently not allowed.

Leave a Reply

Tell me what you think. Keep it clean, don't spam.

CommentLuv badge