#42 paalam, kaibigan
alam ko matagal kitang pinaghintay noon. gusto mo kong tulungan pero sabi kong wag na, kaya ko naman na hindi ikaw ang kasama eh. sayang lang panahon mo sakin.
pero pinilit mo ko. pinilit mong gamitin kita. di rin kita matanggihan, wala na akong choice.
sandali lang tayo nagsama. noon nandyan ka lang, sa tabi, tahimik, di mo ko pinakikialaman. kahit na i settled for less minsan mo lang ako sinumbatan. ‘ayan kasi, anong napala mo?!’ oo alam ko, mali ako noon. sana nilubos ko na ang pagsasama natin noon.
ngayon, wala ka na. iniwan mo na ako. sana masaya ka kung nasan ka man, di man lang ako nakapagpaalam. sana mapasaya mo ang nagmamay-ari sayo ngayon kung pano din ako sumaya sa ‘yo. sana marami kayong marating, tulad nung magkasama tayo. sana mahalin at alagaan ka din niya tulad ng ginawa ko para sa ‘yo. sana.
ako? makakahanap din ako ng iba, balang araw.
—–
in memory of my silver Cross pen that managed to slip out of my pocket this afternoon. it probably moved on to a better ‘after pen-life’. sniff.




















June 16th, 2005 at 3:28 am
i liked this.
when, oh when will you be able to go out on a gimmick with us again?
to do like my friend who YMed me this morning, I’ve got one word for you: fetedelamusique
san ka ba ngayon ris?
[Reply]
June 17th, 2005 at 9:26 am
kuya john,
i am so busy the clear line between my social life and work life has dissolved. one is the other already. pathetic no?
but the good news is, im here in manila already.
[Reply]