ss_blog_claim=61a64cf0f68f842e2a1e8746cd8a66d2

| Subcribe via RSS

saan ka pupunta?

October 10th, 2004 Posted in Short Stories & Mood Swings

“o ma’am, baka naman gusto nyong kumita buwan-buwan ng malaking halaga?”

“uh, sige, salamat ha. wala kasi akong panahon diyan eh.” sabay ngiti na nahihiya.

“naku ma’am, akala niyo lang yon, 2 oras lang sa isang araw ang kailangan niyo dito. sige na, i have a business proposition for you.”

palibhasa nahiya sa kakilalang nag-refer sa kanya don, sumama na siya sa loob ng mataong opisina at naupo sa isang coffee table.

“o, ano ba kasi yang business proposition mo?”

“lahat ng tao may mga dreams yan. mga goals sa buhay. isipin natin yung goals na yan nagkakahalagang lahat ng 10 million. bahay, kotse, travel abroad. kayo ma’am, ano ba ang mga dreams at goals niyo?”

“uh… wala eh.” sabay ngiti ulit na parang nahihiya.

“ha? wala kang goals?”

“eh wala pa eh. di ko pa masiyadong iniisip yun.”

tiningnan siya ng lalaki, waring nagtatanong kung ano kaya ang mali sa babae. o kaya sa sinabi niya.

pag-uwi ng babae, bihis career woman, posturang yuppie, may bagabag sa kaniyang loob na bakas sa kaniyang mukha. akalain mo iyong isang networking business lang pala ang makakapag-paisip sa kaniya ng ganon. na wala siyang goals. may dreams, pero hanggang doon lang.

“miss saan ka pupunta?”

pag-uwi niya naupo siya sa kaniyang desk at nagsulat ng kaniyang 100 goals sa buhay.

Share it!
  • Digg
  • del.icio.us
  • Facebook
  • Google Bookmarks
  • RSS
  • StumbleUpon
  • Tumblr
  • Twitter

3 Responses to “saan ka pupunta?”

  1. martz Says:

    sino yung babae?

    Reply


  2. ris Says:

    based lang naman yun sa tunay na karanasan :) she’s no one in particular.

    Reply


  3. martz Says:

    oh…

    Reply


Leave a Reply






  • Flickr Adventures

    			morks posted a photo:				morks posted a photo:	club paradise, dimakya island, coron, northern palawanmay 2010			morks posted a photo:	laoag, ilocos nortemay 2010			morks posted a photo:	Hundred Islands, Alaminos, Pangasinan			morks posted a photo:	view from Martha's Island, Hundred Islands National Park, Alaminos, PangasinanApril 2010			morks posted a photo:	so many islands, so little time. Hay Pilipinas.---Martha's Island, one of the hundreds of islands in the Lingayen Gulf, Alaminos Pangasinan.			morks posted a photo:				morks posted a photo:	a Bataan sunsetMorong, Bataan | Jan 1 2010 | unprocessed			morks posted a photo:				morks posted a photo:	my cousin's prenup photo shoot, 122609i'm still not a pro, but like i said, it's the thought that counts. =)			morks posted a photo:	reactivate na yan... under a new profile name! hehe12.09.09 RB Christmas party			morks posted a photo:	finally. it was the kids' first time to eat at McDonald's. they would only usually look up to it. --www.virlanie.org




  • Here Too

    carbon neutral offers and shopping with kaufDA.de


    Mom Blogs - Blog Catalog Blog Directory







  • Nifty Things